Binabantayan ngayon ng mga grupo ng dealer ng Liquified Petroleum Gas o LPG ang mga naglipanang substandard na tangke ng LPG.
Ayon sa Department of Energy (DOE), umaabot na dalawang milyong pirasong substandard na tanke ang patuloy na nasa sirkulasyon sa merkado sa buong bansa.
Dagdag pa ng DOE, nasa apatnapung milyong tanke ng LPG ang mayroon sa bansa at layunin nilang makumpiska ang mga depektibo at substandard na tangke.
Paalala ng kagawaran na libre lamang ang pagpapalit ng mga tangke sa mga authorized dealers. Paniniguro rin nilang mapapanagot ang sinumang hindi aayon sa standards na kanilang itinakda. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments