Apektado na rin ng El Niño Phenomenon ang ilang taniman ng mga kalabasa sa lalawigan ng Pangasinan.
Bunsod ito ng nagkabitak-bitak ng mga lupang pinagtamnan ng produkto sa ilang barangay sa bayan ng Mangalda, sa Pangasinan dahilan ang isa sa pangunahing suliranin ng mga magsasaka – ang kawalan ng suplay ng patubig.
Bilang pantugon ay ang gumawa ang mga magsasaka ng balon na siyang karagdagang mapagkukunan ng patubig bagamat maaga umano itong natuyo.
Sa kasalukuyan, ilang mga sakahan pa sa bayan ng Manaoag, Sto. Tomas at Tayug ay nananatiling apektado ng umiiral ng El Niño Phenomenon.
Panawagan ng mga magsasaka ang tulong mula sa mga kaukulang ahensya upang maibsan at magabayan ang epekto nito sa kani-kanilang mga sakahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments