Nagpaalala ang Bureu of Internal Revenue (BIR) Region 1 para sa mga taxpayers sa rehiyon na hindi pa nakakapgbayad ng kanilang buwis na magbayad na habang hindi pa dumarating ang itinakdang deadline.
Sa January 31, 2024 na ang itinakdang deadline sa pagbabayad ng buwis ng mga taxpayers kung kaya’t mas mainam umano kung mas maaga nang makapagbayad kesa maabutan ng deadline.
Inihayag rin ng BIR na hindi na rin obligado ang mga taxpayers sa pagbabayad ng annual registration fee simula sa January 22, 2024.
Hindi na umano obligadi pang mgabayad ng annual registration fee ang mga negosyanteng magpaparehistro pa lang ng negosyo o kahit mga nakapag-parehistro na.
Kaya naman, hinihikayat ngayon ng BIR ang lahat ng gustong magparehistro na bukas ang kanilang tanggapan at hindi na sisingilin pa ng annual registration fee. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨