Pinulong ng lokal na Pamahalaan ng Dagupan City ang mga tindera ng paputok sa lungsod kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.
Ipinaalala sa mga ito ang istriktong pagsunod sa ‘Oplan Iwas Paputok’ at pagbebenta sa mga ipinagbabawal na illegal na paputok and pyrotechnic devices.
Kasama ng City Market Division, CDRRMO, at Waste Management Division ng LGU, tiniyak ang ligtas na lugar kung saan lamang maaaring magbenta ng firecrackers maging ang mga safety measures para sa target na zero casualty sa pagpasok ng taong 2025.
Payo ng LGU, gumamit ng alternatibong mga pampaingay gaya ng torotot, busina ng sasakyan, malakas na tugtog. Pinaiiwas din ang mga bata sa paggamit ng ipinagbabawal na paputok upang maiwasan ang panganib.
Iginiit na istriktong ipatutupad ang mga alituntunin na babantayan ng Dagupan City Fire Station, Dagupan PNP, at lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨