Pumalo sa 8.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga pumiling bumisita sa Pangasinan noong 2023, ayon sa Provincial Tourism and Cultural Affairs.
Ayon sa PTCA, una sa listahan ng mga dinagsang tourist spots sa lalawigan ay ang bayan ng Manaoag, kung saan matatagpuan ang pamosong Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Dagdag pa, karamihan sa mga turistang bumisita ay nagtungo sa mga bayan sa kanlurang bahagi ng lalawigan tulad ng Dasol, Burgos, Bani, Lingayen at Bolinao, kung saan matatagpuan ang diumano’y naggagandahang falls, beach, at iba pa.
Samantala, ang kabuuang bilang ng mga turista ay mas mataas kaysa 2022, na nagtala lamang ng higit anim na milyong turista. Ayon sa PTCA, bunsod ng tuluyang pagbubukas ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya, kaya’t dumagsa ang mga turista sa lalawigan.
Inaasahan pa ang patuloy na pagdagsa ng mga turista ngayong taon dahil sa kabilaang proyektong isinasagawa upang mabawasan ang travel time ng mga bibisita sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨