Nanawagan ngayon ang Ilang miyembro ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA) sa Dagupan City na sana ay magkaroon ng pagbabago sa kanilang fare matrix.
Ito ay dahil sa patuloy na nararanasang pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo na nakakaapekto sa kanilang kita.
Ani ng ilang tricycle drivers hindi na umano sasapat ang singil nila sa kada byahe kung susundin ang kasalakuyang fare matrix.
Giit ng mga ito na hindi rin naman sila namimilit sa mga pasahero na dagdagan ang bayad ngunit sana’y naaayon rin sa layo ng biyahe na kanilang paghatid sa mga ito.
Hanggat maari umano ay sumusunod ang mga ito sa fare matrix na inilabas ng awtoridad upang maiwasan din Silang ireklamo ng overpricing.
Samantalang, isa rin sa kanilang idinadaing ay ang mga kalaban na kolorum na mas kumikita pa kaysa sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨