Inihayag ng Land Transportation Office Region 1 na nangunguna ang mga tricycle na lumalabag sa overloading sa rehiyon.
Ayon kay LTO Region 1 Dir. Daniel Martinez, numero unong violation ngayon na naitatala ng kanilang tanggapan ang overloading ng mga pumapasadang tricycle.
Aniya, sa loob ng isang araw pumapalo sa higit 20 tricycle ang kanilang nasisita.
Sa Dagupan City, ilang tricycle driver ang aminado dito dahil gusto umano nilang makatipid sa pamasahe ang mga mag-aaral.
Depensa ng LTO, bawal ang overloading dahil maaring manganib ang buhay ng isang tao na nasa loob ng sasakyan.
Dahil dito, mas naghigpit ang ahensya upang maipatupad ang mga batas trapiko kahit pa araw ng Sabado at Linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments