𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Napamahagian ang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ng iba’t-ibang mga tulong pansaka mula sa sa Department of Agriculture (DA) katuwang ang tanggapan ng namumunong kongresista sa ikatlong distrito ng probinsya.

Naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad ang mga magsasaka na kabilang sa 3rd District o mga bayan ng Bayambang, Calasiao, Malasiqui, Mapandan, San Carlos City at Sta. Barbara.

Natanggap ng mga Pangasinenseng magsasaka ang mahigit P126M na binubuo ng mga farm machineries, seedlings, fertilizers at iba pang serbisyo.

Samantala, patuloy ang interbensyon at aksyon na isinasagawa ng Kagawaran ng Agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa lalo ngayong nararanasan pa rin ang iba’t-ibang hamon sa sektor tulad ng epekto ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments