Tuesday, February 24, 2026

β€Žπ— π—šπ—” π—¨π—‘π——π—’π—–π—¨π— π—˜π—‘π—§π—˜π—— 𝗙𝗒π—₯π—˜π—¦π—§ 𝗣π—₯𝗒𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—–π—›π—˜π—–π—žπ—£π—’π—œπ—‘π—§ 𝗦𝗔 π—‘π—¨π—˜π—©π—” π—©π—œπ—­π—–π—”π—¬π—”

β€Ž
β€ŽCauayan City – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng mga undocumented forest products sa isinagawang checkpoint ng pulisya sa Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.
β€Ž
β€ŽNahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.
β€Ž
β€ŽKinilala ang mga suspek na sina alyas β€œRey,” 40-anyos, at alyas β€œCesar,” 41-anyos, kapwa residente ng Isabela at parehong magsasaka.
β€Ž
β€ŽSa ulat ng Diadi Municipal Police Station, pinahinto nila ang isang trak para sa regular na inspeksyon nang mapansin ang kargang mga kahoy na hinihinalang bahagi ng disassembled o knock-down furniture.
β€Ž
β€ŽHindi nakapagpakita ang dalawa ng kaukulang permit at transport documents para sa kanilang kargamento, dahilan upang sila ay arestuhin.
β€Ž
β€ŽAabot sa 700 board feet ang nakumpiskang kahoy na tinatayang nagkakahalaga ng β‚±31,500.
β€Ž
β€ŽNakipag-ugnayan din ang pulisya sa MENRO Diadi para sa wastong beripikasyon at dokumentasyon ng mga ebidensya.
β€Ž
β€ŽAgad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek, kasama ang sasakyan at mga nakumpiskang materyales, para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
β€Ž
β€ŽSamantala, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng forest products nang walang sapat na dokumento bilang bahagi ng kampanya laban sa illegal logging.
β€Ž
Source: NUEVA VIZCAYA PPO

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments