Selos ang tinutukoy na dahilan sa hindi sinasadyang pagpatay ng isang mister sa kaniyang misis sa Brgy. Pasibi East, Urbiztondo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom ang 68 anyos na suspek nang magpasya itong puntahan ang kaniyang misis upang pauwiin sa kanilang tahanan sa Basista.
Nang makarating sa Urbiztondo, nakita niya ang kaniyang misis na nagbibilad ng palay kasama ang bago nitong kinakasama.
Nagkaroon pa ng mainit na komprontasyon ang dalawa dahilan upang tumakbo papalayo ang biktima bagamat naabutan ito sa bahagi ng Pasibe East, at dito na niya pinagsasaksak ang kanyang misis.
Nagtamo ng apat na saksak sa likod ang biktima dahilan ng kanyang pagkamatay.
Agad na naaresto ang suspek at nakuha ang ginamit na kutsilyo.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad, anim na buwan na na umanong hiwalay ang mag-asawa at may bago nang kinakasama ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨