Monday, January 19, 2026

𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗥𝗠𝗬 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang aktibong miyembro ng Philippine Army at kasamahan nito matapos silang masangkot sa aksidente sa bayan ng Tayug.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jim Paulo Bucag, miyembro ng Philippine Army at driver ng motor na si Rolando Dela Cruz.

Ayon sa imbestigasyon binabagtas ng motor ng dalawa ang kahabaan ng Barangay Carriedo sa nasabing bayan pasado alas otso ng umaga nang biglang may tumawid na aso sa kalsada .

Sinubukan pang iwasan ng mga ito ang aso subalit mahagip pa din ito dahilan upang tumilapon ang mga biktima at magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman silang isinugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments