Nagpapatuloy ang ipinapatupad na modernisasyon ng mga equipment at establisyimento sa labing apat na government run hospitals sa Pangasinan.
Kamakailan ay pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang bagong isolation building, pharmacy room, mobile, at karagdagang equipment tulad ng CT Scan, X-ray at Ultrasound Machines sa Pangasinan Provincial Hospital.
Ayon kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, bahagi ito ng modernization programs sa mga ospital sa lalawigan upang matutukan at maaksyunan ang kalusugan ng mga Pangasinense.
Kaugnay nito, hinikayat ng gobernador ang bawat Pangasinense na magpakonsulta upang maiwasan ang pagkakasakit at maari pang makatanggap ng cash incentives sa ilalim ng Government Unified Incentives for Medical Consultations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨