Matagumpay na isinagawa ang isang pagsasanay ng mga kawani ng Pangasinan Provincial Jail sa bayan ng Lingayen.
Sumabak ang mga partisipante partikular ang mga kawani ng provincial jail sa modified firearms proficiency training sa pamumuno ni PLtCol. Lovel Dalisay (Ret.), Chief of Office ng Pangasinan Provincial Jail (PPJ).
Malaking tulong umano ang pagsasagawa ng Modified Firearms Proficiency Training sa pag-iingat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng pangangalaga ng PPJ.
Ang aktibidad na ito ay ginanap sa loob ng dalawang araw na pagsasanay sa Pangasinan PPO Firing Range, Barangay Libsong West. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments