𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Patay ang singkwenta y kwatro anyos na drayber ng motorsiklo na kinilalang si Eddie Moreno habang sugatan naman ang trentay otso anyos na back ride nito. Parehong residente ng Brgy. Quibaol, Lingayen ang mga biktima at hindi nakasuot ng protective helmet nang mangyari ang aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na binabaybay ng bus ang National Road nang bigla na lang pumunta sa linya nito ang kasalubong na motor.

Head on ang banggaan ng dalawang sasakyan kaya nang dalhin sa pagamutan ang mga sakay ng motor, dead on arrival ang drayber dahil sa natamong severe head injury habang ang back ride naman nito ay inilipat sa mas malaking ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments