Hinikayat ang lokal na mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng Tayug na makiisa sa gaganaping Kadiwa on Wheels upang matulungan ang mga ito na maibenta ang kani-kanilang mga produkto.
Kaugnay nito, kinakailangan na magtungo sa Municipal Agriculture Office ang mga nais lumahok upang mag-apply at mapabilang sa Kadiwa Exhibit.
Pasok dito ang nagbebenta ng mga produktong gulay, prutas, isda, dried fish products, woven product, bigas at iba pa. Bahagi ang Kadiwa on Wheels sa programa ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 na may layong makatulong sa mga local producers at sa mga komunidad na ipagbili ang mga produkto sa abot-kayang halaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments