𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗧𝗟𝗘 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗘𝗥𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Naging makulay ang Urbiztondo Seawall sa San Juan La Union matapos isagawa ang isang Mural Painting bilang pagdiriwang ng sea turtle conservation.

Nagsama-sama ang mga residente at turista sa pagkulay at pagpinta ng imahe ng pawikan na simbolo sa kahalagahan ng pagprotekta sa marine life.

Layunin nito na itaas ang kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng sining sa lahat ng edad.

Samantala, ang naturang mural ay magsisilbing isang testamento sa La Union upang protektahan ang marine life partikular na ang mga pawikan at kanilang tirahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments