Nararanasan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang mura o mababang bentahan ng pakwan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Armando Caralipio na nagbebenta sa bayan ng Sta. Barbara na ang bentahan ngayon ng pakwan ay nasa ₱25 kada kilo kung saan inaangkat ang suplay ng pakwan sa bayan ng Bani.
Sa ibang impormasyon, ang farmgate price ng pakwan hanggang ngayon ay nagsisimula sa ₱20 hanggang ₱25 kada kilo para sa bilog na varieties, habang nasa ₱35 hanggang ₱40 kada kilo para sa oblong na varieties.
Sa ngayon, aniya, hindi pa ramdam ang tumal ng bentahan dahil maya’t maya ay mga dumadaan para mamili ng pakwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments