Target pang mas palakasin ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang produksyon ng mushroom.
Alinsunod dito, higit tatlumpong magsasaka ang sumailalim sa two-day Mushroom Production at Food Processing Capacity Building sa Brgy. Alitaya.
Layon nitong mas mapayabong ang produksyon, makatulong sa karagdang kita ng mga magsasaka at maipakilala sa merkado ang naturang produkto.
Ibinahagi sa mga mushroom farmers ang ukol sa Tissue Spawn Production, Steps and Procedure on Tissue Culture and Spawn Preparation, maging ang kaalaman sa Food Safety Handling at Food Processing.
Samantala, pinangunahan ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 katuwang ang Mangaldan Municipal Agriculture Office ang naturang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments