π— π—¨π—¦π—Ÿπ—œπ—  π—–π—’π— π— π—¨π—‘π—œπ—§π—œπ—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—šπ—§π—œπ—£π—’π—‘-π—§π—œπ—£π—’π—‘ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—˜π—œπ——’π—Ÿ 𝗔𝗗𝗛𝗔

Ginanap sa Public Auditorium sa bayan ng Mangaldan ang pagtitipon-tipon ng Muslim Communities na mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan upang ipagdaos ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa kalendaryong Muslim. Inaalala nito ang pagdiriwang na pagpayag ni Propeta Abraham na isakripisyo ang kanyang anak.

Kaugnay naman ng naturang pagdiriwang, nauna nang idineklara ng MalacaΓ±ang ang June 17 bilang regular holiday sa buong bansa sa bisa ng Presidential Proclamation No. 567.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang miyembro ng Muslim sa suportang ibinigay ng alkalde ng Mangaldan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments