Nagbigay-abiso ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pay rules sa mga employers para sa darating na dalawang holiday ngayong buwan ng Hunyo.
Sa inilabas na labor advisory ng ahensya, makakatanggap ng double pay o two hundred percent (200%) ng sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor na magtatrabaho sa darating na June 12, Independence Day o Araw ng Kalayaan at June 17, Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Tatanggap naman ng karagdagang 30% ang mga mag-oovertime sa kanilang hourly rate.
Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na kailangang masunod ang tuntunin kaugnay sa naaayong pagpapasahod sa mga naideklarang regular holidays. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments