Binigyang diin ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang impormasyon ukol sa insidenteng sunog na kailanlamang ay magkakasunod na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa tala ng tanggapan, nasa dalawang daan at labingpito (217) na kaso ng sunog ang naitala sa mga nagdaang buwan ng 2024.
Pinakamataas na bilang ng uri ng sunog ay ang Structural Fires o mga sunog sa pang-istruktura tulad ng kabahayan, mga pasilidad o pang-industriya kung saan nasa 131 ang bilang nito.
Nasa 126 naman ang Non-Structural Fires na kinabibilangan ng sunog na nagaganap sa kagubatan, o sunog na nagmula sa pagsisiga ng mga basura habang 14 din dito ay mga Vehicular Fires o sunog sa mga sasakyan.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ang mga Pangasinenses kaugnay sa mga hakbangin upang maiwasan ang insidenteng sunog maging ang mga aksyon sakaling makaranas ng nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨