𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟲𝟳 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Umakyat na sa 167 ang naitalang insidente ng sunog sa lalawigan ng Pangasinan sa unang mga buwan pa lang ng taong 2024.

Sunod sunod na insidente ng pagkasunog sa lalawigan ang naitala tatlong buwan pa lang ng taon kaya naman paalala ngayon ng awtoridad sa publiko ang ibayong pag-iingat.

Sa naging datos ng BFP Pangasinan, 56% ang nakitang pagtaas sa kaso ng sunog kung ikukumpara sa parehong panahon noong taong 2023.

Nasa 203 ang kabuuang lamang na naging kaso ng sunog at naitala sa lalawigan noong taong 2023 kung ikukumpara ngayong taong na nasa 96 na ang naitala.

Samantala, matatandaan na ilang insidente na ng sunog ang naitatala nito lamang sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments