Pangamba ang nararamdaman ngayon ng mga motorboat operators sa lungsod ng Dagupan.
Bukod kasi umano sa matumal ang pasahero na kanilang naisasakay lalo naβt nakabakasyon ang mga estudyante, umaamba pa ang patuloy na pagtaas ng petrolyo.
Sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau β Department of Energy o OIMB-DOE, dahilan pa rin ng pagtaas ng presyo sa petrolyo ay ang tensyon na nangyayari sa iba’t ibang bansa na pinagkukunan ng suplay.
Samantala, daing ng mga motorboat operators na malaking epekto ang pagtaas ng petrolyo sa kanilang kabuhayan dahil inaasahang mas lalala pa ang kanilang problema sa petrolyo.
Panawagan naman ngayon ng mga motorboat operators na sila ay matulungan upang mapunan ang kanilang matumal na kita sa pagbabangka. |πππ’π£ππ¬π¨