𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟮𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗞𝗜𝗟𝗢𝗦

Umabot na sa 25,000 kilograms ang nakolektang basura o plastic waste materials sa ilang serye ng Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan o KALIKASAN Program na isinasagawa sa iba’t-ibang lugar sa Pangasinan.

Ang mga basurang nakolekta ay mula sa Canaoalan, Binmaley; Palguyod, Pozorrubio; Tapuac, Dagupan City; Malabago, Calasiao; at Dulag, Lingayen.

Alinsunod ang programa sa DILG Memorandum Circular No. 2024-001 na inilunsad noong Enero ngayong taon na layuning buhayin ang volunteerism spirit sa komunidad.

Samantala, nakatakdang isagawa sa iba pang bayan ang programa na inaasahang makikiisa ang iba pang opisyal at tanggapan ng gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments