𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗟𝗟𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦

Hindi umano ramdam ng mga PUV drivers sa Pangasinan ang nararanasan ngayong rollback sa mga produktong petrolyo.

Bunsod ito ng katiting umanong tapyas presyo kahit pa dalawang linggo na itong naipapatupad.

Umiiral naman sa ngayon ang rollback kung saan naglalaro sa 10 hanggang 95 cents ang bawas sa kada litro depende sa kung ito sa Gasoline, Kerosene o Diesel.

Base naman sa pinakahuling pagtataya noong Friday’s MOPS Trading, maaaring walang paggalaw o kung mayroon man ay asahan ang kaunting pagtaas presyo sa kada litro ng krudo.

Samantala, isa sa hiling ng mga PUV drivers at operators na lumaki ang bawas sa tuwing may rollback. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments