Bahagyang lumuwag ngayon ang nararanasang bigat ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan sa kabila nang nagpapatuloy na road projects.
Mas magaan ngayon kumpara noong mga nakaraang araw partikular sa kahabaan ng Perez Boulevard ang trapiko dahilan na ang mga Calasiao-Dagupan Bound ay pansamantalang hindi muna mag-eexit sa MH Del Pilar St. papuntang Downtown Area.
Inatasan ang mga ito na dumaan muna sa Herrero, Perez palabas sa bungad ng Quintos Bridge upang hindi na sumabay ang mga ito sa ibang mga Dagupan jeepney routes na mas kinakailangang mag-exit sa MH Del Pilar.
Kaliwaβt-kanan ang kasalukuyang road constructions kayaβt nananatiling congested ang intersection area ng Arellano St., MH at AB Fernandez Avenue.
Epektibo naman hanggang ngayon ang ipinatupad na one way traffic scheme at mababago depende sa anunsyo ng lokal na pamahalaan at kaukulang ahensya.
Samantala, matatandaan na nagtakda ng target completion date ang DPWH sa inaaasahang pagtatapos ng mga road projects kung saan sa March 15 ang AB Fernandez Avenue, March 30 ang Arellano St. habang April 15 naman ang MH Del Pilar St. |πππ’π£ππ¬π¨