𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘𝗗 𝗢𝗙𝗪𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

Napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa isang daang mga distressed at displaced Overseas Filipino workers na tubong Pangasinan sabay sa pagdalo ng mga ito sa Pangkabuhayan Caravan para sa kanila.

Mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang mga naturang OFWs na nabigyan ng tulong pinansyal kung saan karamihan sa mga ito ay nagtrabaho mula sa bansang Israel na naging apektado ng digmaan roon.

Limang libong piso ang kabuuang halaga na natanggap na tulong pinansyal bawat OFW.

Magsisilbi itong panimulang kapital sa mga negosyong balak nilang itayo.

Samantala, ang proyekto naman na ito ay alinsunod ‘strategic objectives’ ng Pamahalaang Panlalawigan nang sa gayon ay mapataas ang estado ng pamumuhay ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments