Nakatanggap ang nasa isang libong estudyante mula sa isang unibersidad sa Urdaneta City ng educational assistance mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS.
Tumanggap ang mga ito ng tig-limang libong pisong educational assistance kung saan makatutulong sa mga gastusin ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pag-aaral at ilan pang pangangailangan.
Ayon naman kay DSWD Ilocos Regional Director Marie Angela Gopalan, ilang bayan at lungsod na rin sa lalawigan ang nabisita at nabahagian ng naturang educational assistance.
Nasa apat na libong estudyante ang nakatanggap ng naturang educational assistance mula naman sa mga bayan ng Bayambang, Binalonan, San Carlos City at kasama na rin ang Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments