𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝟵𝟭𝟭 𝗖𝗔𝗟𝗟𝗦, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟬𝟬𝗞

Umabot na sa higit tatlong daang libong mga tawag ang naisangguni sa Pangasinan 911 ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office simula nang ilunsad ito noong Agosto noong nakaraang taon.

Sa datos ng tanggapan, kabuuang 324, 164 ang naitalang tawag kung saan 554 dito ay emergency calls habang nasa 123 naman ang non-emergency calls. Matatandaan na itinatag ang Pangasinan 911 upang matugunan ang mga emergency cases sa lalawigan tulad ng krimen, kalamidad, aksidente at iba pa.

Tiniyak ng PDRRMO ang mabilis at maagap na tugon sa anumang isasangguning tawag upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Pangasinense.

Samantala, nauna nang nagpaalala ang pamunuan na iwasan ang prank calling sa naturang hotline upang maiwasan ang posibleng mga pagkaantala ng serbisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments