Thursday, March 19, 2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

‎Cauayan City – Nagsagawa ang Philippine Statistics Authority Regional Office 02 (PSA RO2), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2), ng National ID registration para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Palanan, Isabela.

‎Layunin ng aktibidad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na kabilang sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

‎Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyakin na lahat ng benepisyaryo ng 4Ps ay magkaroon ng National ID bilang bahagi ng pagpapahusay sa mga proseso ng pamahalaan at sa paghahatid ng serbisyong panlipunan.

‎Nagsimula ang off-site registration noong Enero 19 at magpapatuloy hanggang Pebrero 13 ngayong taon upang mas marami pang benepisyaryo ang makinabang sa National ID system.

‎Source: DSWD REGION 2
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments