𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟 𝗥𝗢𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗢𝗗𝗞𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗛 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟴

Kasalukuyang isinasagawa ang forum para sa mga brodkaster sa Pangasinan ukol sa Philippine Plan of Action for Nutrition sa Pilipinas hanggang 2028 na pinangungunahan ng National Nutrition Council Regional Office 1.

Sa pahayag ni NNC RO1 Nutrition Program Officer Mr. Kendall Gatan, mahalagang malaman ng publiko ang action plan ng tanggapan ukol sa nutrisyon upang mabawasan ang anumang uri ng malnutrition sa bansa.

Sa naturang forum na dinaluhan ng mga brodkaster na kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas-Pangasinan Chapter, hangarin ng NNC na mapataas pa ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng nutrisyon bilang malaking aspeto sa development ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ito nang ikalat ang impormasyon.

Ginanap din ang Pledge of Commitment kung saan kaisa ng NNC ang KBP Pangasinan Chapter member stations upang labanan ang kagutuman, food insecurity at malnutrition sa buong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments