Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kalulunsad lamang na “No Segregation, No Collection” Policy sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay sa lungsod.
Ilang barangay partikular sa Brgy. Pantal, hindi agarang kinokolekta ang mga basura dahilan ng kawalan ng segregation o hindi naihiwa-hiwalay depende sa kinabibilangang pangkat ng mga waste materials.
Reklamo ng ilang residente ang dulot nitong masangsang na amoy lalo na at naipon ata sa isang bahagi sa nasabing barangay.
Matatandaan na nagpapatuloy ang pagtugon ng LGU Dagupan sa anim na dekadang problema sa dumpsite sa Dagupan City.
Alinsunod pa rito, magkakaroon ng mga garbage bins sa mga bara-barangay maging sa mga pamilihan para sa tamang waste disposal.
Ayon naman sa Waste Management Division, tututukan din ang mga kabayahan sa lungsod sa pagsasanay sa mga ito ukol sa tamang pamamahala sa basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨