Ipinatupad ngayong araw sa lungsod ng Dagupan ang No Swimming at Fishing Policy kasunod ng posibleng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Epektibo na ang agarang pagpapatupad ng naturang polisiya sa Tondaligan Beach maging sa mga kailugan sa lungsod. Itinaas na rin ang Gale Warning sa Dagupan kaya naman hindi na pahihintulutan ang anumang mga fishing activities upang maiwasan ang anumang typhoon-related incident.
Inabisuhan na rin ang mga paaralan na maging evacuation centers sa posibleng evacuees lalo na ang mga nakatira sa low-lying at coastal areas.
Nakastandby na ang hanay ng CDRRMO, BFP, PNP, DILG, PARMC Dagupan, Philippine Coast Guard, POSO, City Health Office, CSWDO, City Agriculture Office at iba pang line agencies para sa kaukulang pagtugon sa posibleng emergencies.
Samantala, sa buong Pangasinan kasama na ang lungsod Dagupan sa nagkansela ng pasok sa lahat ng antas bilang paghahanda sa epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨