Naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa pagbabawal sa pangisda at pagligo sa mga coastal areas na sakop ng lungsod.
Ito ay bunsod pa rin ng bantang dala ni Bagyong Leon na bagamat hindi direktang nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ay ipinaalala ang posibilidad ng matataas na alon at malalakas na paghangin sa mga baybayin.
Sakop ng mga polisiya ang lahat ng coastal areas sa Dagupan City lalo na sa mga katubigan ng Tondaligan, Boquig, Binloc, Pantal at Pugaro.
Inaasahang aalisin ang No Swimming at Fishing Policy sakaling wala na ang epekto na dala ni Bagyong Leon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments