Inalerto ng National Power Corporation San Roque Dam Office ang mga Pangasinense ukol sa posibleng dam discharge dahilan ang posibleng maging epekto ng Bagyong Pepito sa lalawigan.
Ayon sa pahayag, kahapon, umabot na sa 278.64 meters above sea level ang San Roque Dam kung saan inabisuhan ang publiko na maging handa sakaling patuloy na ulanin ang lalawigan ay magpapakawala ito ng tubig.
Kung magsagawa ng spilling operations, madadaanan ang mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Asingan, Tayug. Sta. Maria, Rosales, Villasis, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, at Bayambang.
Bagamat wala pang direktang epekto ang bagyo hanggang sa kasalukuyan sa probinsiya, inaasahan sa mga susunod na araw ang maulap hanggang sa makulimlim na papawirin at posibleng malalakas na pag-uulan at pagbugso ng hangin dahil sa trough o extension ng mga kaulapan ng bagyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨