Muling pinaalalahanan ng National Telecommunications Commission Region 1 ang publiko ukol sa mga naglipanang text scams.
Ayon kay NTC Region 1 Atty. Anna Minelle Maningding, hindi natatapos ang pagkakaroon ng iba’t-ibang klase ng text scams kung kaya’t huwag basta-bastang magtitiwala sa mga pinapadalang text scams.
Ilan lamang sa mga karaniwang text scams na inihayag nito ay lottery and prize scams, delivery scams, identity theft scams, romance or love scams, job offers and investment scams, fishing scams, sim registration scams at iba pa.
Sinabi pa nito, na huwag umanong bibili ng mga nag-aalok ng Free Sim Registered o Free Activated Sim cards.
Dapat na iparehistro ang mga ginagamit na sim cards ng sariling identification cards o sariling pagkakakilanlan.
Paalala naman ng tanggapan na ang pinaka-layunin ng sim registration act ay para sa pagkakaroon ng data base kung saan lahat ng dapat ng sim users ay nakapagparehistro ng kanilang mga sim cards at hindi umano para makapag-block ng spam o scam messages. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨