
CAUAYAN CITY – Tiniyak ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magpapatuloy sa 2026 ang kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya, kasabay ng panawagang manatiling mapagmatyag at huwag maging kampante sa mga nakamit na tagumpay sa usapin ng kapayapaan.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Ernesto C. Torres Jr., bagama’t may malinaw na pag-unlad sa pagresolba sa lokal na armadong tunggalian, nananatili ang banta ng muling pag-usbong ng karahasan kung hihina ang pagbabantay ng pamahalaan at ng mga komunidad.
Iginiit ni Torres na ang mandato ng task force ay nakatuon sa pagtugon sa ugat ng sigalot sa pamamagitan ng kaunlaran, mabuting pamamahala, at pagprotekta sa demokrasya laban sa panlilinlang, recruitment, at armadong karahasan, lalo na sa kabataan at mga paaralan.
Para sa 2026, nananatiling prayoridad ng NTF-ELCAC ang reintegration ng mga dating rebelde, pagpapaunlad ng mga komunidad, at pagsasagawa ng mga programa alinsunod sa batas at karapatang pantao upang matiyak ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa bansa.
Source: 5TH INFANTRY “STAR” DIVISION, PHILIPPINE ARMY
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










