Sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng Tarlac naaresto ang Number 1 most wanted person sa Lungsod ng Urdaneta.
Ang akusado ay nakilalang si Benny Aquino, residente ng Nancamaliran East sa nasabing Lungsod.
Hinuli si Aquino pasado alas singko ng hapon sa Barangay Salcedo sa bayan ng San Manuel kung saan ay nahaharap ito sa kasong 39 counts ng paglabag sa RA 7610 na may piyansang ₱200,000 bawat kaso nito at inilabas noong December 15, 2023 ang warrant of arrest nito.
Dinala na sa Urdaneta City PNP si Aquino para sa tamang disposisyon dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments