Itinampok sa isang prestihiyosong exhibit ang mga obra ng isang DagupeΓ±o sa Japan.
Napabilang ang mga likhang obra ni Dr. Ann Theresa Bolos, sa tatlong araw na BIJUTSU Exhbition sa Osaka Japan.
Ang naturang exhibit ay paggunita sa Filipino fine art sa nasabing bansa.
Tatlong obra nito ang bumida sa exhibit na kinabibilangan ng βEchoes of Selfβ, βSampaguitaβ at βSakuraβ na idinisplay sa Toyono Gallery Vitokuras.
Ayon kay Dr. Bolos, masaya ito na nairepresenta ang lungsod at lalawigan ng Pangasinan sa larangan ng sining at nawaβy maging inspirasyon sa iba pang mga artists na sumubok sa creative industries.
Ang iba pang obra nito ay itatampok sa Cambodia ngayong linggo at sa Taiwan naman ay sa susunod na taon |πππ’π£ππ¬π¨