Nangangamba ngayon ang ilang drayber ng PUV sa lungsod ng Dagupan dahil sa sunod-sunod na pagsirit ng produktong petrolyo.
Aabot sa P1.25-1.50 per litro ang magiging presyuhan ng gasolina, sa diesel naman papalo ang presyuhan simula P0.40 – P0.60 per litro at ang kerosene naman ay papatak ng P0.60-P0.80 per litro ang itataas.
Ito na ang ikaapat na linggo ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Giit ng mga PUV drivers pahirap sa mga ito ang pagtaas dahil kaunti ang pasahero. Inaasahan naman na makakabawi sila sakaling magbukas ang klase sa Agosto.
Ayon naman sa Department of Energy indi pa rin posible ang bagsak – presyo ng langis dahil sa patuloy pa rin ang tensyon na nangyayari sa Middle East at ang ilang mga investors ng langis sa Estados Unidos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments