𝗢𝗟𝗗𝗘𝗦𝗧 𝗟𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗞𝗔-𝟭𝟬𝟴 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡

Masayang ipinagdiriwang ng oldest living centenarian at World War II Veteran ng Pangasinan ang kaniyang ika-108 na kaarawan sa Brgy. Doyong Calasiao kasama ang kanyang buong pamilya noong November 3.

Naging espesyal ang kaarawan ni Lolo Valentin Mamanta Untalan ngayong taon dahil marami ang nakaalala sa kanyang kapanganakan at bumisita sa kanilang tahanan.

Sa kanyang edad, mapapabilib ang sinuman dahil sa kanyang taglay na lakas at walang iniindang sakit. Sa panayam ng IFM News Dagupan, ang sekreto umano ni lolo sa mahabang buhay ang pagkain ng gulay.

Ayon sa anak ni Lolo, noon pa man ay disiplinado ito sa kanyang pangangatawan dahil sa kanyang pagiging sundalo noon.

Ito ngayon ay isa sa Top 5 living centenarians sa Ilocos Region na nauna nang binigyang pagkilala ng Department of Social Welfare and Development Office Field Office 1.

Isa si Lolo Valentin sa patunay na kayang kaya humaba ang buhay basta’t alagaan ang katawan tulad ng pag eehersisyo, pag-iwas sa bisyo at pagkain ng tama..

Mula sa IFM Dagupan, isang malusog na pangangatawan at marami pang kaarawan sa inyo Laki Valentin! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments