Umalma ang mga jeepney drivers sa Pangasinan sa muling pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, malaki ang mawawala sa kanilang arawang kita na katumbas na sana ng halos isang kilong bigas.
Bagamat mayroong tulong mula sa pamahalaan ito lamang umano ay nasa 60%.
Nakatakda namang makipag-ugnayan ang mga ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 upang matulungan ang mga apektadong jeepney drivers sa pagsirit ng presyo ng petrolyo.
Sa ngayon hindi umano sila humihingi ng karagdagang taas pasahe dahil malaking pasanin rin ito sa mga commuter.
Titiisin na lang aniya muna sa ngayon ang mataas na presyo ng petrolyo.
Matatandaan na ito na ang ikaapat na linggo nang pagtaas ng presyo petrolyo kung saan nasa PHP 2.70 ang diesel, PHP 2.65 ang gasolina, at PHP 2.60 sa kerosene ang itinaas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨