𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗠𝗦 𝗕𝗨𝗧𝗧𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Higit pang pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office ang crime prevention sa lalawigan sa pamamagitan ng One SMS Button na suporta sa PNP Emergency Hotline 911 ng PNP.

Sa ilalim nito, maaring makapagpadala ang Isang indibidwal na nasa panganib ng isang notification alert sa awtoridad upang agad na marespondehan ng kapulisan.

Ang One SMS Button ay isang offline application na maaring magamit kahit walang internet connection at hindi na umano kinakailangang dumepende sa reception ng kinaroroonang lugar upang maipadala ang mensahe.

Target na matulungan ng naturang app ang mga establisyimento sa lalawigan na bukas ng 24 oras at madalas mabiktima ng pagnanakaw maging ang agarang paghuli sa mga suspek.

Ang hakbang na ito ay bahagi rin ng enhanced crime prevention strategies na programang ipinatutupad ni Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments