𝗢𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗟𝗗 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗔𝗚𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Plano ng Department of Agriculture – Regional Office 1 ang pagpapatayo ng Onion Cold Storage Facility sa Bayambang.

Sa naganap na pagtalakay ukol sa proyekto, pinag-usapan ang nakatakdang pagpapatayo sa naturang pasilidad sa bayan.

Ang naturang proyekto ay inaasahang makatutulong sa kabuhayan ng mga residente lalo ng mga onion farmers. Layon din nitong maiwasan na malugi ang mga magsasaka kung hindi man maibenta ang mga naaning sibuyas.

Pinag-usapan rin sa pulong ang mga requirements na kinakailangan at detalye ng proyekto upang maumpisahan na ang konstruksyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments