𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗖𝗔𝗠, 𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗬𝗕𝗘𝗥𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nangunguna sa inirereklamong cybercrimes ang online scamming sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Provincial Cyber Response Team (PPCRT).

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PPCRT Team Leader PLT. Sharmaine Jassie Labrado, nasa 67 reklamo na ang kanilang natanggap na may kaugnayan sa online scams Gaya ng estafa at swindling.

Pumapangalawa dito ang Computer related identity theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa online na mayroong 17 na report.

Sa buong lalawigan, nasa 125 na ang kanilang natanggap na reklamo ng iba’t-ibang cybercrimes mula January 1- September 6, 2024.

Paalala ng tanggapan, huwag basta-basta maniniwala sa online platforms at maging wais sa mga nababasa at alok online. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments