𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang usapin kaugnay sa pagpapatupad ng nararapat na presyuhan sa pamamagitan ng ‘Operation Timbangan’.

Layunin nitong protektahan ang karapatan ng mga konsyumer sa pagkakaroon ng nararapat at tiyak sa timbang at dami na produkto kapalit ang mga ibinabayad na pera.

Kaugnay nito ang nagpapatuloy na pag-inspeksyon at monitoring sa mga timbangan sa pamilihan sa lungsod ng Dagupan upang maiwasan din ang dayaan sa pagitan ng mga vendors at consumers.

Samantala, sa kasalukuyan ay mahigit ding iniimplementa ang ‘No Tong Policy’ na para naman sa karapatan ng mga ambulant vendors. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments