𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗜𝗩𝗘𝗗 𝗢𝗙 𝗟𝗜𝗕𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗢 𝗣𝗗𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Pinaghahandaan na ng Justice Zone sa lungsod ng Dagupan ang ‘Oplan Bagong Buhay’ na programang kanilang inilunsad para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL.
Ang ‘Oplan Bagong Buhay’ ay ang kauna-unahang programang ilulunsad ng Justice Zone sa lungsod.
Nakatuon ang naturang programa sa rehabilitasyon ng mga Persons Deprived of Liberty sa lungsod ng Dagupan at kanilang mga dependents.

Nagsagawa na rin ng regular meeting ukol dito kung saan dinaluhan ng mga kawani mula sa Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office kasama ang PDEA Regional Office 1 Legal Representatives.
Samantala, matatandaan na binuksan ang Justice Zone sa lungsod kung saan tulungan ang mga sektor ng hustisya sa bansa para sa pagkamit ng layunin na matukoy ang mga problemang kinakaharap ng komunidad at agad itong masolusyunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments