Inilunsad ng Land Transportation Office Field Office 1 ang Oplan ‘Ilaw’ o pagsasagawa ng inspeksyon sa mga ilaw ng motor vehicles na bumabyahe sa gabi.
Ito ay bahagi umano ng Road Safety Action Plan ng kagawaran upang matutukan ang pagsunod ng mga motorista sa naturang regulasyon at nang maiwasan ang aksidente sa mga kakalsadahan.
Sa ilalim ng Oplan Ilaw, iniinspeksyon ng LTO kung gumagana at angkop na ilaw ang ginagamit ng bawat motorista sa kanilang mga sasakyan.
Samantala, kamakailan ay positibo ang naging pagtanggap ng ahensya sa pagpapatupad ng pagsusuot ng reflectorized vest mula 6PM hanggang 6AM sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments