𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝟯, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬

CAUAYAN CITY- Matagumpay ang isinagawang Oplan Tabang ng 98.5 IFM Cauayan kahapon, November 22, 2024.

Layunin ng aktibidad na tulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo at baha matapos ang pananalasa ni Bagyong Pepito sa Lungsod.

Kabilang sa mga napamahagian ay mga nakatira sa Damatan St. at Sipat St. kung saan nasa dalawang daang pamilya ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng bigas, de lata, biskwit, at noodles.


Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Radio Mindanao Network at ang aming sponsor na Green Mustard.

Samantala, magkakaroon muli ng pamamahagi ang aming istasyon sa mga naapektuhang pamilya sa Brgy. Carabatan Bacareño at Catalina ngayong araw, ika-23 ng Nobyembre.

Facebook Comments