𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡

Inihahanda na ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ordinansang ihahain para sa full implementation ng pagsusuot ng reflectorized vest sa mga motorista sa lungsod.

Ayon kay Councilor Michael Fernandez na siyang magiging may akda ng ordinansa, ito ay dahil mahirap ang visibility sa gabi lalo na tuwing tag-ulan.

Matatandaan na magsisimula na ang full implementation ng Provincial Ordinance sa mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest sa Pangasinan bukas, ika-15 ng Agosto.

Samantala, nakatakdang pag-usapan sa susunod na regular session ang paghahain sa naturang ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments